Basic Bible Formation, isinagawa sa Bikaryato ng Inmaculada Concepcion

by Ma. Cristina V. Santos

https://www.dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Basic Bible Formation, isinagawa sa Bikaryato ng Inmaculada Concepcion

February 22, 2025 by Ma. Cristina V. Santos

LUNGSOD NG DASMARIร‘AS, CAVITE โ€“ Dumalo ang 75 miyembro ng parish lay formation (PLF) team mula sa anim na parokya at isang chaplaincy ng bikaryato ng Inmaculada Concepcion sa Retreat and Conference Center ng De La Salle University - Dasmariรฑas, noong Pebrero 8, 2025 para sa Basic Bible Formation.

Ang paghuhubog na ito sa lebel ng bikaryato ay pinasimulan ni Rdo. P. Reinier Dumaop, ang priest animator ng Diocese of Imus Lay Formation Office (DLFO).  Ang layunin ay upang bigyan ng patuloy na pagsasanay sa Pagpapakilala sa Bibliya (PSB) module ang mga PLF team ng bikaryato ng Inmaculada Concepcion.  

Sina Anna Christia Nuestro at Chris Julius Conjurado ng DLFO core team ay nagbahagi naman ng steps in the facilitation process at key result areas.     

Nagkaroon din ng pagkakataon ang magkakaparokya na magpulong upang suriin ang estado ng paghuhubog ng kanilang kapwa lingkod, ano pa ang kakulangan, ano ang nais matupad at kung ano ang maitutulong ng bikaryato sa pagsulong ng parokya.  Ibinahagi ng bawat parish lay formation coordinator ang resulta ng kanilang napag-usapan sa buong pagtitipon. Tinuunan ng pansin ni Fr. Dumaop ang mga ulat sa diwa ng sinodalidad.

Dumalo rin ang tatlong kura paroko na sina Rdo. P. Agustin Baas (Inmaculada Concepcion), Rdo. P. Herald Arenal (San Lorenzo Ruiz), at Rdo. P. Gilbert Villas (Our Lady of Miraculous Medal). 

Sina Sylda Teves at Jeff Marquez ay ipinakilala bilang mga lay formation animator ng bikaryato. Magkakaroon ng palagiang pagpupulong ang mga coordinator, magbubuo ng pool of facilitators at gagawa ng formation schedule para sa bawat parokya. (Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus, photo credits to SOCCOM Core Team)
________________________

Visit our website and follow our official social media accounts:

Website: https://www.dioceseofimus.org/

Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus

Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus

Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961

#DioceseOfImus #Jubilee2025 #DiocesanLayFormation #BiblicalApostolate



Latest News

Matagumpay na Voter's Education Idinaos sa Our Lady of Pillar Seminary

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Ang Paglalakbay ni Imang sa Bayan ng Kawit

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Cavite upland parishes attend Liturgical Conference on Lent and Easter

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”. ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜€ (๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿณ๐Ÿญ โ€“ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ)

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Be ๐Ž๐๐„ of us! Be a ๐ƒ๐ˆ๐Ž๐‚๐„๐’๐€๐ seminarian!

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


MISA NG KRISMA 2025

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


A SHEPHERD OF CREATION AND PEACE

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


Caritas Imus, Kaisa sa โ€œTindig Kalikasanโ€ Forum para sa Maka-Kalikasang Halalan 2025

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


LITURGICAL CONFERENCE ON LENT AND EASTER BATCH 1

By: Ministry on Social Communications

March 30, 2025


Diocese of Imus Ministry on Liturgy - Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly

By: Ministry on Social Communications

March 20, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8