Krus ng Pag-Asa, sinalubong sa Parokya ng San Pablo Apostol

by Ministry on Social Communications

https://www.dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Krus ng Pag-Asa, sinalubong sa Parokya ng San Pablo Apostol

July 22, 2025 by Ministry on Social Communications

DASMARIÑAS CITY, CAVITE (Hulyo 19, 2025) - Buong galak na sinalubong ng parokya ng San Pablo Apostol sa Langkaan ang "Krus ng Pag-Asa (Jubilee Cross 2025).  Ang banal na Krus ay iniikot sa mga parokya ng bikaryato ng Inmaculada Conception bilang bahagi ng pagdiriwang ng "Maka-Diyos Month" sa Diyosesis ng Imus.

Nagsimula sa pagdarasal ng Banal na Rosaryo ang sambayanan ng Langkaan habang inaabangan ang Jubilee Cross mula sa Ang Mabuting Pastol Parish. Sa pamumuno ni Rdo. Padre Nestor P. Chavez, Kura Paroko ng nasabing parokya, dinasal ang panalangin ng pagtanggap kasunod ang Banal na Misa.  Bukas ang simbahan maghapon para sa mga nagnanais magbigay parangal sa Krus.

Hulyo 20, 2025 (Linggo) - sa bawat Misa ay isinagawa ang katekesis tungkol sa Hubileyo ng Pag-Asa at indulhensiya.  Ang "Confessio Peccati" o ang sektoral na pag-amin sa mga kasalanan at paghingi ng tawad sa Diyos ay taimtim na isinagawa ng mga lingkod-simbahan noong Lunes, Hulyo 21.  Samantala, nakatakda namang mag-ikot ang Banal na Krus sa mga pamayanan sa pamamagitan ng motorcade ngunit naging sagabal ang malakas na ulan dulot ng bagyong Dante.

Ang mga susunod na gawain para sa Krus ng Pag-asa ay Taize prayer (Hulyo 23), pagbisita sa mga may-sakit at feeding program na may kasamang katekesis para sa mga bata (Hulyo 24). Sa ikapitong araw, magkakaisa ang sambayanan sa pagdalo ng Banal na MIsa, at isusunod ang Banal na Oras (Hulyo 25). 

Ihahatid ang Krus ng Pag-asa sa Our Lady of the Miraculous Medal Parish, Amuntay sa Hulyo 26, 2025, 3:00 ng hapon. 

(Ulat ni Tina V. Santos, SocCom - Diyosesis ng Imus; mga larawang kuha ni Vincent Mendoza at John Renz Lazo, DOI SocCom Jubilee Team)

(Para sa iba pang mga larawan, tignan sa gallery section)

-----------------------------------------------------

Follow our official social media accounts:

Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus

Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus

YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961

#DioceseOfImus

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.3