St. Gregory the Great Parish, Indang – Kasaysayan at Pagdiriwang ng 400 taon

by Ministry on Social Communications

https://www.dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

St. Gregory the Great Parish, Indang – Kasaysayan at Pagdiriwang ng 400 taon

June 07, 2025 by Ministry on Social Communications

INDANG, CAVITE — Ipinagdiwang ng sambayanan ng Diyos ang ika-400 taon ng pagkakatatag bilang parokya ng St. Gregory the Great Parish, Indang, Cavite noong ika-30 ng Mayo. Ang temang “𝗜𝗞𝗔-𝟰𝟬𝟬 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔: 𝗣𝗔𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗔𝘆𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗔𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻” ay siyang naging sentro ng selebrasyon ng mga mananampalataya at deboto ni San Gregorio Magno. 

Ipinagdiwang ang Banal na Misa sa pangunguna ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Lub. Kgg. Charles John Brown, D.D. katuwang ang Obispo ng Imus, Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D. at ng kaparian ng Diyosesis ng Imus. 

Ibinahagi ni Archbishop Charles John Brown sa kanyang homiliya, “400 𝑦𝑒𝑎𝑟𝑠 – 𝑡ℎ𝑒 𝑤𝑜𝑟𝑑𝑠 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑡𝑜 𝑜𝑢𝑟 𝑚𝑖𝑛𝑑 𝑎𝑟𝑒 𝑐𝑜𝑛𝑡𝑖𝑛𝑢𝑖𝑡𝑦, 𝑐𝑜𝑛𝑠𝑖𝑠𝑡𝑒𝑛𝑐𝑦, 𝑐𝑜𝑛𝑠𝑡𝑎𝑛𝑐𝑦, 𝑟𝑒𝑚𝑎𝑖𝑛𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑓𝑎𝑖𝑡ℎ, 𝑑𝑒𝑐𝑎𝑑𝑒 𝑎𝑓𝑡𝑒𝑟 𝑑𝑒𝑐𝑎𝑑𝑒, 𝑐𝑒𝑛𝑡𝑢𝑟𝑦 𝑎𝑓𝑡𝑒𝑟 𝑐𝑒𝑛𝑡𝑢𝑟𝑦... 𝑇ℎ𝑎𝑛𝑘 𝐺𝑜𝑑 for 𝑦𝑜𝑢𝑟 C𝑎𝑡ℎ𝑜𝑙𝑖𝑐 𝑓𝑎𝑖𝑡ℎ. Tℎ𝑎𝑛𝑘 𝐺𝑜𝑑 𝑓𝑜𝑟 𝑡ℎ𝑖𝑠 400 𝑦𝑒𝑎𝑟𝑠 𝑜𝑓 𝑗𝑜𝑦, 𝑓𝑎𝑖𝑡ℎ, ℎ𝑜𝑝𝑒, 𝑎𝑛𝑑 𝑙𝑜𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑖𝑛 𝐼𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔”.  

Nilagdaan ang katibayan sa pagdiriwang na ito ni Archbishop Brown, Bishop Evangelista, at nina Rdo. P. Marty Dimaranan, Kura Paroko, Rdo. P. Ashpaul Castillo, Priest Animator on Liturgy, at Jaime Dili-dili, PPC Lay Coordinator.

Matatandaang ang St. Gregory the Great Parish ay naging quasi-parish noong 1611 at inihandang maging ganap na parokya na naisakatuparan noong 1625 sa pamimintakasi sa patron ng parokya na si San Gregorio Magno.  Ganap na naihiwalay sa bayan ng Silang ang bayan ng Indang noong 1655 na noon ay pinamunuan ni Don Juan Dimabiling.  Sa taong 1672 hanggang 1676 sinimulan ang pagpapagawa ng simbahan at natapos noong 1707.  Noong taon 1710 naitayo naman ang kumbento.  Ang pag-gunita sa ika-400 taong pagkakatatag bilang ganap na parokya ng Indang ay kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileo… taon ng pag-asa.  

Sa biyaya ng pananampalatayang gabay si San Gregorio Magno naisagawa nang buong sigla ang pagdiriwang na ito. Binibigyang pugay at pasasalamat ang mayamang nakaraan at ang ugat ng pananampalataya ng bawat deboto sa bayan ng Indang mula pa noon hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Binea Jeverly C. Antang, SocCom, Diocese of Imus, mga larawang kuha ng Jubilee team, Diocese of Imus) 

 _______________________

Follow our official social media accounts:

Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus

Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus

YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961

#StGregory400

#Ika400Pamana 

#PAMANA400

#SanGregorioMagno 

#Jubilee2025

#LakbayPagAsa

#PilgrimsofHope

#DioceseOfImus

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8