Grief and Loss, Tinalakay sa Pastoral Care Training; Commissioning at Graduation, Isinagawa

by Diocesan Media

https://www.dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Grief and Loss, Tinalakay sa Pastoral Care Training; Commissioning at Graduation, Isinagawa

October 22, 2026 by Diocesan Media

GMA, CAVITE — Tinalakay ang Grief and Loss sa isinagawang Pastoral Care Volunteer Training (PCVT) ng Ministri sa mga May Karamdaman sa Parokya ng San Jose Manggagawa, GMA, Cavite, nitong Oktubre 21, 2026.

Binigyang-diin sa pagsasanay ang kahalagahan ng pag-unawa sa pagdadalamhati at pagkawala, gayundin ang wastong paggabay at pagbibigay ng emosyonal at espirituwal na suporta sa mga taong nakararanas ng pagluluksa at sa kanilang mga pamilya.

Bilang bahagi ng paghuhubog sa mga boluntaryo, isinagawa rin ang graduation at commissioning ceremony upang kilalanin ang mga nagsipagtapos sa pagsasanay at pormal na italaga sila sa kanilang misyon ng paglilingkod sa mga may karamdaman at kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at paghuhubog, layunin ng Ministri sa mga May Karamdaman na ihanda ang mga pastoral care volunteer na maging mahabagin, maunawain, at mapagkalingang presensya sa mga taong nangangailangan ng pag-alalay, lalo na sa panahon ng karamdaman, pagkawala, at pangungulila.

Sa kanilang paglilingkod, nawa'y maging daluyan sila ng pag-asa, kapanatagan, at pagmamahal ni Kristo sa bawat taong kanilang makakasalamuha.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6