πππππ πππππ! ππππ ππ πππππ! ππππ - ππππ ππ πππ - πππ!
GENERAL TRIAS, CAVITE - Idinaos noong ika-10 ng Mayo sa St. Gabriel the Archangel Parish ang oryentasyon para sa sama-samang paghahanda sa nalalapit na Diocesan Maka-buhay Month Celebration ngayong darating na ika-18 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo, 2025 β isang buwang paggunita at pagkilos para sa buhay, dignidad, at pag-asa ng bawat isa sa pangunguna ng Caritas Imus sa kolaborasyon mula sa mga kasapi ng Ministri sa Pagkalinga, Ministri sa Kabataan, at Ministri sa Panlipunang Komunikasyon ng Diyosesis ng Imus.
Hangarin ng Caritas Imus ang sama-samang pagtataguyod ng pag-asa at pagkakaisa tungo sa masaganang buhay mula sa magkakapit-bisig na pagkilos para sa ating mga kapatid na nangangailangan. Magsilbi nawang unang hakbang ng pakikilakbay sa maka-buhay ang oryentasyong inilunsad na ito upang maging makabuluhan ang pagmimisyon sa Diyos, Simbahan, at Pamayanan, kaisa't kalakbay ang mga kapatid nating nais ialay at ibahagi ang sarili para sa iba.
[Photo Courtesy: Jubilee Media Team 2025]
_______________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#CaritasImus
#SapatDapatParaSaLahat #SamaSamaSaPagasa
#MakaBuhay2025
#Jubilee2025
#LakbayPagAsa
#PilgrimsofHope
#DioceseOfImus