GMA, CAVITE – Ginanap ngayong Setyembre 2, 2026 ang oryentasyon at unang sesyon ng Pastoral Care Volunteer Training Program Batch #13 sa San Jose Manggagawa Parish ng Ministri sa May Karamdaman.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa nasabing ministri at iba't ibang ministri sa Diyosesis ng Imus. Pinangunahan ito ni Rev. Fr. Michael Ceazar Dela Cruz, ang Priest Animator, kasama si Ms. Malorna Mosico, ang Lay Pastoral Worker ng nasabing ministri. Magkakaroon ito ng total na walong sesyons na gaganapin tuwing Miyerkules.
Saklaw ng mga pagsasanay ang kaalaman sa pangangalaga sa mga may sakit, hindi lang pisikal na pangangalaga, kundi pati pang-isipan at espiritwal na pangangalaga. Ipinapakita nito ang pagbibigay-halaga ng Simbahan sa mga may sakit.