Mga minamahal na kapatid kay Kristo,
Pagbati ng kapayapaan!
Inilunsad natin ang Panahon ng Paglikha 2025 (Season of Creation 2025) noong ika-30 ng Agosto 2025 sa Laudato Si Farm, SVD, Lungsod ng Tagaytay. Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Ministri sa Kalikasan, mga pari, mga seminarista, mga relihiyoso at relihiyosa, at mga layko ng ating Diyosesis ng Imus.
Ipinagdiriwang natin ang Misa na ito sa Pangangalaga sa Kalikasan (Votive Mass for the Care of Creation), bilang pagsunod sa kautusan ng ating Santo Papa Leon XIV at ng Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas o Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP). Layunin nitong bigyang halaga ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos na umuuwi hindi lamang sa pagmamahal sa ating kapwa, kundi pati na rin sa buong sangnilikha.
Sa pagdiriwang natin ng Panahon ng Paglikha o Season of Creation simula ika-l ng Setyembre hanggang ika- 4 ng Oktubre, Kapistahan ni San Francisco ng Assisi, Patron ng Kalikasan, ibinabalik uli tayo sa kagandahan ng sangnilikha na sumasalamin sa kabutihan ng Diyos. Ayon sa Aklat ng Genesis, "nakita ng Diyos ang lahat ng Kanyang ginawa, at ito'y napakabuti. " (Gen. 1:31).
Subalit, ang kabutihang 100b at pagmamahal sa atin ng Diyos ay hindi laging natutumbasan ng kabutihan ng tao. Hindi lingid sa ating karanasan ang patuloy na pagsira at kapabayaan natin sa kalikasan na nagdudulot ng climate change, katulad ng matinding tag-init at malalakas na buhos ng ulan na nagpapabaha sa maraming lugar. Dahil sa matitinding pagbaha, pag-apaw ng mga ilog at pagguho ng mga lupa (landslides) sa iba't-ibang lugar, nasisira hindi lamang ang mga ariarian at kabuhayan, kundi pati buhay ng ating mga kababayan.
Ang mas nakakagalit pa ay ang matuklasan natin na ang pondong dapat sanang inilaan upang pangalagaan ang kalikasan at ingatan ang buhay ng mga mamamayan ay nauwi sa pansariling kapakinabangan. Natunghayan natin nitong mga nakaraang araw sa balita ang maraming katiwalian sa ating pamahalaan. Hindi tayo natutuwa sa mga sub-standard naflood control projects, mga hindi natapos na kontrata o ghost projects at talamak na korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilan pang ahensiya ng pamahalaan. Lagi nating tatandaan na ito ay isang uri ng ekolohikal at panlipunang kasalanan na nananawagan ng katarungan!
Kaya, muling umaalingawngaw ang panawagan ng ating yumaong Santo Papa Francisco para sa patuloy na ekolohikal na pagbabalik-loob (ecological conversion). Ang prosesong ito ay nagsisimula sa ating sarili, sa pamamagitan ng pagkilala natin na ang mundo ay kaloob ng Diyos na dapat nating papurihan at pasalamatan (Laudato Si, 220). Ito ay humahantong sa konkretong pagbabago ng pamumuhay, sa pakikiisa sa mahihirap, at sa pagtalikod sa kulturang konsumerismo. (Laudato Si, 216-221)
Upang makatugon sa panawagan ng ekolohikal na pagbabalik-loob, ang Diyosesis ng Imus ay naglabas ng isang Sulat-Sirkular noong 2019 na naglalaman ng 10-Point Agenda for a Zero-Waste Church (Liham Sirkular 2019-2).
Nakapaloob dito ang mga praktikal na pamamaraan para alagaan ang kalikasan katulad ng:
- paglalagay ng segregation boxes para sa mga basura
- paghuhubog sa mga parish at convent staffat mga lingkod-simbahan ukol sa eco-spirituality
- paggamit ng renewable energy sources tulad ng solar pannels
- pagtataguyod ng organic farming, hindi paggamit ng mga chemicals sa mga halaman at sa halip ay ang natural na abono mula sa composting
- paglalagay ng mga water catchments mula sa tubig ulan
- paggamit ng mga tela at papel para sa mga banderitas at dekorasyon tuwing may okasyon sa halip na mga plastic na banderitas
- paggamit ng mga halamang-buhay sa 100b ng simbahan
- pag-iwas sa paggamit ng mga plastic utensils sa mga handaan na nagiging basura sa kapaligiran
- pagpaplano para sa mga programang pang-kalikasan tulad ng tree planting at coastal cleanup
- pagtatatag ng mga grupo na magpapatupad sa mga gawaing pangkalikasan
Makipag-ugnay po kayo sa Ministri sa Kalikasan ng ating diyosesis at ng ating mga Parokya tungkol sa iba pang mga programang pangkalikasan.
Kung inyo pong mamarapatin at talagang paninindigan ang pagmamalasakit sa Inang kalikasan at sa ating lipunan, bantayan na natin ang mga pangyayari sa ating kapaligiran at magsalita tayo kung may katiwalian. Maging aral na rin sana sa ating lahat na maghalal na tayo sa susunod na eleksiyon ng mga pinunong tunay na karapat-dapat, walang pansariling hangarin, walang record ng corruption, may takot sa Diyos, handang maglingkod na walang kapalit, at may malasakit sa kalikasan at sa sambayanang Pilipino.
Hindi mahirap mahalin ang kalikasan na siyang ating nag-iisang tahanan. Kailangan lang ang matalas na pakiramdam at pagkilala sa kabutihan ng Diyos, sa kagandahan ng Kanyang nilikha, at sa kabutihan ng ating sarili. Ito ang daan tungo sa ekolohikal na pagbabalik-loob.
Sa patnubay ng Mahal na Birhen Del Pilar, Patrona ng ating Diyosesis, umunlad nawa tayo sa biyaya ng Diyos lalo na sa Panahong ito ng Paglikha. Patuloy nawa kayong pagpalain ng ating Panginoon.
+REYNALDO G. EVANGELISTA, D.D.
Obispo ng Imus
Setyembre 5, 2025