Imus Cathedral, Ipinagdiwang ang Ika-231 Gunitaon ng Pagkakatatag ng Parokya

by Diocesan Media

https://www.dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Imus Cathedral, Ipinagdiwang ang Ika-231 Gunitaon ng Pagkakatatag ng Parokya

October 05, 2026 by Diocesan Media

IMUS, CAVITE — Marubdob na ipinagdiwang ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral ang ika-231 gunitaon ng pagkakatatag ng parokya noong Oktubre 3, 2026, sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio “Chito” Tagle.

Naging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang ang Pagbabasbas ng Pinto, na naglalaman ng mga sagisag na sumasalamin sa kasaysayan, pananampalataya, at mayamang pamana ng Parokya ng Mahal na Birhen del Pilar. Sa pamamagitan nito, muling binigyang-halaga ang kasaysayang patuloy na nag-uugnay sa mga henerasyon ng mga deboto ng Mahal na Birhen.

Isinagawa rin ang Pagbabasbas ng Manto, isang mahalagang sagisag ng espesyal na ugnayang espiritwal sa pagitan ng Imus Cathedral at ng Catedral-Basílica de Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza sa Espanya. Sumasagisag ito sa iisang debosyon kay Nuestra Señora del Pilar na nag-uugnay sa dalawang pamayanang pananampalataya.

Matapos ang Banal na Misa, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang pag-aalay ng bulaklak sa Pillar of Flowers, na sinundan ng Pillar Festival kinagabihan.

Sa loob ng 231 taon, nananatiling saksi ang dambana ng Mahal na Birhen del Pilar sa patuloy na paglago ng pananampalataya ng sambayanan.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6